^

Metro

Valenzuela senatorial bet pumuntos sa debate

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapuntos sa debate si senatorial candidate at Valenzuela City Rep. Eric Martinez  sa “Tanong ng Bayan: Senatorial Face-Off 2025 na ini-host ng isang te­levision station kaugnay ng posisyon nito kung paano matalino at tumpak na matutugunan ng pondo ng pamahalaan ang pagpapabuti pa sa istratehiya sa disaster management .

Sa nasabing face-off, umani ng papuri si Martinez at pinalakpakan ng mga manonood  nang sagutin nito ang katanungan na dapat palaganapin pa ng gobyerno ang paggamit ng modernong teknolohiya sa pangangasiwa sa climate change at global warning bilang istratehiya kung paano maiibsan ang matinding epekto ng kalamidad sa mga komunidad sa Pilipinas.

Kumakandidato si Martinez, sa Senado bilang isang independent na kandidato ay iginiit na dapat palawakin ng gobyerno ang inis­yatibo nito sa disaster ma­nagement lalo na sa flood control projects partikular na sa Metro Manila.

Hinggil naman sa tanong kung paano epektibong magagamit ng gobyerno ang multi-milyong peso budget nito sa disaster ma­nagement, si Martinez ay nakuha ang pulso ng audience nang irekomenda nito na dapat pag-aralan ng gobyerno ang patugon ng Japan sa kalamidad gamit ang inobasyon nito at mo­dernong tek­nolohiya na patunay sa mga panahon ng lindol, bagyo at mga pagbaha ay naging matatag ang nasabing bansa.

“We really have to look into technology and how we are going to use this to improve our disaster management strategies,” giit pa nito,

ERIC MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->