Okubo na-promote sa 3-star general
MANILA, Philippines — Nakuha na ni Philippine National Police Chief Directorial Staff Police Lieutenant General Edgar Allan Okubo ang kanyang 3-star general rank sa simpleng seremonya na isinagawa sa Camp Crame.
Mismong si PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil ang nanguna sa oath-taking and donning of ranks ceremony para kay Okubo.
Oktubre 2024 nang maitalaga si Okubo bilang CDS na ikaapat sa pinakamataas na puwesto sa PNP.
Si Okubo ay miyembro ng Philippine National Police Academy “Tagapagpatupad” Class of 1992 at isa sa pinakabata sa kanilang klase.
Siya rin ang kauna-unahang graduate ng PNPA na naging hepe ng elite na PNP Special Action Force.
Si Okubo ay isang Ibaloi mula Baguio City at Benguet.
- Latest