HPG magsu-surprise inspection sa Marilaque
MANILA, Philippines — Upang masiguro na may sapat na tauhan ang Highway Patrol Group at sumusunod ang mga motorista sa speed limit, regular na magsasagawa ng surprise inspections si PNP-HPG officer-in-charge Brig. Gen. Eleazar Matta sa kahabaan ng Marilaque Highway sa Tanay, Rizal.
Ayon kay PNP-HPG officer-in-charge Brig. Gen. Eleazar Matta, nakaalarma ang mataas na bilang ng aksidente sa lugar partikular ang “Devil’s Curve” kung saan maraming buhay na rin ang nawala. Una nang nagsagawa ng surprise inspection si Matta nitong Miyerkules upang masiguro na sapat at tama ang ipinatupad na sistema sa Marilaque Highway.
Sinabi ni Matta na layon ng inspeksiyon na masiguro na sapat ang deployment ng mga tauhan ng HPG, katuwang ang Regional Mobile Force Battalion, Tanay Municipal Police Office, at Traffic Management Office lokal na pamahalaan ng Tanay. Layon lamang nila na maging ligtas ang lugar na dinarayo maging mga dayuhan.
“We will continue to intensify our efforts in working closely with the LGU and other partners to implement the law effectively. Our collaboration with the force multipliers and local stakeholders ensures that we can create a safer environment for the public, particularly along critical roads like Marilaque,” ani Matta. Nakatakda ring makipagdayalogo ang HPG sa mga photographers sa Marilaque area kung saan hinihikayat ang mga ito na suportahan ang adbokasiya at programa ng HPG. Malaki aniya ang maitutulong ng mga local photographers upang lumawak ang kaalaman ng mga motorista.
- Latest