^

Metro

NFA ibebenta 150K toneladang buffer stock na bigas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
NFA ibebenta 150K toneladang buffer stock na bigas
Newly delivered sacks of rice from Regions II and III are being organized inside the National Food Authority (NFA) warehouse in Valenzuela on January 20, 2025.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Handa na ang National Food Authority (NFA) na idispatsa ang may 150,000 metrikong tonelada ng bigas na buffer stock.

Ayon kay NFA administrator Larry Lacson, ilalabas lamang ang naturang mga bigas oras na maaprubahan na ang National Food Security Emergency. Ito ang magbibigay ng otorisasyon sa NHA na makapagbenta ng bigas sa mga LGU’s.

Sinasabing nasa 3 milyong sako na may tig-50 kilong bigas ang ilalabas ng NFA sa susunod na anim na buwan para dito.

Aniya, uunahin ng NHA na mabigyan ng bigas ang mga lugar na may mataas na presyo nito.

Sinabi pa ni Lacson na kailangan na ring bumili ng NFA ng mga bagong aning palay sa halagang P23 kada kilo dahil sa susunod na buwan ng Pebrero ay anihan na ng palay.

“This monthly release of approximately 30,000 metric tons will alleviate high rice prices and prepare NFA warehouses for the upcoming palay procurement season,” pahayag ni Lacson.

Sa ngayon ay pumapalo sa P41 hanggang P59 ang kada kilo ng bigas sa Metro Manila.

NATIONAL FOOD AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with