Sa pagdami ng aksidente ‘Marilaque’ bantay sarado sa HPG

John Louie Arguelles and Rico Bayawan performing stunt riding along Marilaque Highway in Tanay, Rizal on January 26, 2025
Interaksyon / JAM MOTO VLOG 2.0 via Facebook

MANILA, Philippines — Magiging bantay sarado na sa mga tauhan ng Highway Patrol Group ng Philippine National ang kahabaan ng Marilaque Highway sa Rizal Province matapos ang pagkamatay ng isang motovlogger sa Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal.

Ayon kay HPG Spokesperson Lt. Dhame Malang, itatalaga sa araw ang mga karagdagang pulis gayundin tuwing mga araw ng Sabado at Linggo, kung kailan dagsaan ang motorcycle riders sa lugar.

Aniya, 17 tauhan ng HPG sa Rizal ang ida­dagdag sa mga pulis na itinalaga mula sa kanilang mga unit sa Laguna, Ca­vite, at Quezon.

Ang mga ito ay ­itatalaga sa Palo Alto sa bayan ng Tanay partikular na sa tinatawag na “Devil’s Curve,” gayundin sa Palo Alto-Mount Masungi area.

Kamakailan ay nasawi ang motovlogger na si John Louie Arguelles dahil sa pagsasagawa ng “Superman stunt” kasama ang isang pang rider.

Sa kabuuan ng nakaraang taon, nakapagtala ang HPG ng 158 na aksidente sa Marilaque Highway at marami sa mga ito ay nangyari sa Palo Alto.

Nabatid na nakapagtala ng 158 insidente ang PNP HPG noong 2024.

Show comments