MANILA, Philippines — Kinansela ng Court of Appeals (CA) ang piyansa ng anim na akusado sa pagdukot at serious illegal detention sa anim na nawawalang sabungeros mula sa Manila Arena noong Enero 2022.
Batay sa 18-pahinang ruling ng CA Third Division, pinaburan nito ang petition for certiorari ng prosekusyon matapos na madiskubreng nagkaroon ng grave abuse of discretion ang presiding judge of Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 40, nang pagbigyan nito ang petition for bail ng mga akusado.
Nabatid na ang mga akusado, na kinabibilangan ng anim na security personnel ng Manila Arena, ay pansamantalang nakalaya noong Disyembre 2023 matapos na makapaglagak ng tig- P3 milyong piyansa.
Hiniling na rin naman ng National Prosecution Service sa hukuman na kaagad na muling ipaaresto ang mga ito.
Nanindigan din ang Appellate Court na may malakas na ebidensiya na kinidnap ng mga private respondents kidnapped o idinetine ang mga biktima, “or in any manner deprived them of liberty.”
Sinabi rin ng CA na nagkamali ang mababang hukuman nang sabihing walang naganap na ‘deprivation of liberty’ dahil lamang boluntaryong sumama ang mga biktima sa mga private respondents at walang naganap na pagbubuno o paggamit ng armas.