^

Metro

Nationwide manhunt sa ex-BFP official inilunsad

Ed Amoroso, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad na ang nationwide manhunt operation laban sa dating Bureau of Fire Protection official na si Senior Fire Officer 2 (SFO2) Reyca Janisa Palpallatoc matapos mabigo ang mga awtoridad na maisilbi ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Ronald August Tan ng Pasay City Regional Trial Court Branch 297.

Nabatid na tinungo ni Lt. Col. Caro Wilson, hepe ng Regional Intelligence Division 4A kasama ang mga media practitioners ang ilang lokasyon na nauugnay kay Palpallatoc, kabilang ang kanyang dating opisina sa punong himpilan ng BFP at ang kanyang huling mga address sa Quezon City; Calamba, Laguna; at Malolos, Bulacan subalit hindi ito natagpuan.

Pinaniniwalaang nagtungo sa Indonesia upang makaiwas sa pag-aresto si Palpallatoc dahil sa alegasyon ng paggamit ng kanyang posisyon bilang opisyal ng BFP at masangkot sa mga ilegal na recruitment scheme.

Bukod sa kasong kriminal, nahaharap din siya sa mga kasong administratibo na isinampa sa Office of the Ombudsman at Professional Regulation Commission (PRC) dahil sa immorality at professional misconduct. Kabilang sa mga reklamong ito ang akusasyon ni Ginang Faiza Utuali, na sinasabing si Palpallatoc ay may iligal na relasyon sa kanyang asawa, isang dating opisyal ng Marine na na-dismiss.

Nagbitiw sa tungkulin si Palpallatoc noong Disyembre 2024, ilang sandali matapos ilabas ang warrant of arrest.

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with