CTPL benefits, tataasan ng LTO

MANILA, Philippines — Plano ng Land Transportation Office (LTO) na ayusin ang mga problema sa insurance coverage laluna ang pagtataas ng benepisyo sa motor vehicle insurance laluna sa Comprehensive Third Party Liability (CTPL).

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, may pagpupulong na ginawa ang ahensiya sa pagitan ng tanggapan ni Insurance Commission head Atty. Reynaldo Regalado para sa agarang policy reforms sa mga sasakyan dulot na rin nang nagdaang aksidente ng trak sa may Katipunan Flyover sa Quezon City noong nagdaang buwan na may apat ang namatay at 20 iba pa ang nasugatan.

Isa sa tinalakay ng magkabilang panig ay ang sobrang tagal na makuha ang insurance benefits mula sa CTPL at ang sobrang baba ng halaga ng insurance benefits.

Sinabi ni Mendoza na sa dalawang punto na pinag-usapan ng magkabilang panig, ang tungkol sa pagtataas sa benepisyo na makukuha sa insurance ang higit na dapat ding bigyang pansin.

Aniya sa naganap na Flyover accident, P200,000 lamang ang insurance benefits na pinaghatian ng lahat ng biktima sa aksidente.

Sinabi ni Mendoza na napapanahon na maitaas ang sobrang baba ng halaga ng insurance benefits na naipagkakaloob sa mga biktima ng aksidente.

Show comments