^

Metro

Barko sa Navotas nasunog, 2 welder patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Barko sa Navotas nasunog, 2 welder patay
Kinilala ang mga biktimang sina Junel Boncodin, 23 at Roberto Dondan, 21, kapwa residente ng Market 3, Brgy. NBBN, Navotas City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang welder ang namatay nang masunog ang isang barko na kanilang kinukumpuni sa Navotas City.

Kinilala ang mga biktimang sina Junel Boncodin, 23 at Roberto Dondan, 21, kapwa residente ng Market 3, Brgy. NBBN, Navotas City.

Nangyari ang insidente bandang alas-9:22 nge gabi nitong Lunes sa MV Amansinaya Passager Ship na nasa Tawiran Tres St., Brgy. Daang Hari, Navotas City

Ayon kay Fire Superintendent Ronaldo Sanchez, Fire Marshal ng Navotas City-BFP, kabilang ang mga biktima sa 20 katao na nasa barko na nagwe-welding. Nagsimula ang sunog sa  storage room ng barko.

Pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil sa makakapal na usok. Mahigit apat na oras inapula ang sunog na umabot sa unang alarma kung saan tatlong firetrucks ang rumesponde.

Suffocation ang tini­tingnang dahilan nang pagkamatay ng dalawang biktima.

“Mayroon silang dalawang katawan, dalawang bangkay na magkatabi na animo’y nag-struggle sila. Hindi naman sunog na sunog ang katawan nila. Portion lang. We assume that ang cause talaga ng kanilang pagkamatay ay suffocation,” ani Sanchez.

Ayon pa sa BFP Navotas, nakikipag-ugnayan sa kanila ang pamunuan ng barko para sa pananagutan sa mga nasawi.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with