Opisyal ng CTG arestado sa Quezon City Police District

Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio Buslig, Jr. ang CTG leader na si Myrna Cruz-Abraham, 69, ng Pasig City at may alyas na Ka Jessie, Geli, Lumen, at Alfie ay naaresto sa Massway Supermarket along Cagayan Valley Road, Brgy. Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay Quezon City Police District (QCPD) ang isang mataas na opisyal ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos na maaresto sa bisa ng warrant of arrest nitong Lunes sa San Rafael, Bulacan.

Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio Buslig, Jr. ang CTG leader na si Myrna Cruz-Abraham, 69, ng Pasig City at may alyas na Ka Jessie, Geli, Lumen, at Alfie ay naaresto sa Massway Supermarket along Cagayan Valley Road, Brgy. Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan.

Sinabi ni Buslig na ang pagkakaaresto kay Cruz-Abraham ay batay sa warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 9 ng Appari, Cagayan kaugnay ng kasong murder at frustrated murder sa ilang engkuwentro sa  Northern Luzon.

Nabatid na si Cruz-Abraham ang kasalukuyang Secretary ng Metro Manila Regional Party Committee (MMRPC) at hepe ng Regional Organizational Department (ROD) kung saan ito ang namamahala  sa recruitment, organization, at mobilization activities sa Metro Manila. 

Nagsilbi rin itong hepe ng Regional Edu­cation Department (RED) kung saan ipinatutupad ang CTG education at training programs ng political at military.

“This successful ­operation underscores the unwavering dedication of the Quezon City Police District in safeguarding our communities from the threats posed by terrorism. Ang pagkakahuli ng wanted person na ito ay patunay ng walang tigil na pagsisikap ng ating kapulisan na labanan ang terorismo, panagutin ang mga may sala, at tiyakin ang kapayapaan at kaligtasan ng ating mga mamamayan,” ani Buslig.

Show comments