^

Metro

‘Kamay na bakal’ vs illegal connection ng kuryente sa Quezon City tiniyak

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Quezon City government na mas mahigpit na parusa at kamay na bakal ang ipatutupad laban sa mga nasa likod ng  illegal connections ng kuryente na sinasabing madalas na nagiging dahilan ng insidente ng sunog sa lungsod.

Sa QC Journalist Forum , sinabi ni QC Councilor Ranny Ludovica, chairman ng committee on Public Order and Security na nasa final stage na ang konseho upang maaprubahan ang QC Fire Code, ang kauna-unahang batas ng LGU na reresolba sa mga problema sa mga insidente ng sunog at magpaparusa laban sa mga taong mapapatunayang naglalagay ng illegal connections ng kuryente.

Aniya kasama dito ang pagbuo ng QC LGU ng isang technical working group na kapapalooban ng QC LGU, Meralco, PNP, Bureau of Fire Protection, MWSS at barangay para makabuo ng mga intervention na magiging daan para mawakasan ang pagtaas ng mga insidente ng sunog sa lungsod laluna kung panahon ng summer.

Ilan anya sa nakapaloob sa binubuong ordinansa na mabigyan ng tulong ang mga mahihirap na taga-QC para magkaroon ng maayos na linya ng kuryente at hindi aasa sa mga naglalagay ng jumper para magkaroon ng kuryente sa kanilang tahanan. Nagsasagawa rin anya ang City Electrical Engineers ng pag-audit sa mga fire hydrant para mapalitan ang mga nasira na at madagdagan pa ang bilang nito para sa mas mara­ming makinabang na mamamayan.

Aniya sa buong QC, nasa mga informal settlers area laluna sa District 2 ang may pinaka-maraming nagaganap na sunog dahil sa faulty electrical wiring at paggamit ng ilan ng jumper sa kuryente.

Kasama rin anya sa binubuong ordinansa ang paglalapat ng parusang community service at 1 libong multa sa first offense. I-community service at P3,000 multa sa second offense at P5,000 multa at pagkakakulong sa 3rd offense sa mga lalabag dito.

Nanawagan din ito sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang nalalamang insidente ng sunog para agad marespondehan at huwag unahin na maipost pa ito sa social media bago maipaalam ang insidente sa kanilang tanggapan.

ILLEGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with