^

Metro

Sunog sa Quezon City: Senior, patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Quezon City: Senior, patay
Nagtulung-tulong na ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa pag-apula ng sunog na sumiklab kahapon ng umaga sa Brgy. Old Balara na ikinasawi ng isang senior citizen.
Photo credit po sa BP Fire and Rescue Brigade

MANILA, Philippines — Patay ang senior citizen na babae matapos ma-trap sa loob ng kanyang bahay na nilalamon ng apoy kahapon ng umaga sa Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog ng alas-9:14 ng umaga sa ikalawang palapag ng 2 storey residential house at mabilis na kumalat ang apoy sa Barangay Old Balara, ng nabanggit na lungsod.

Isang senior citizen ang sinasabing nakulong sa sunog habang nagtamo ng 2nd degree burn si Rolly Guiruela, 40.

Sinasabing nakalabas na ng bahay ang biktima subalit binalikan ang kanyang gamit sa loob hanggang sa hindi na nakalabas.

Matapos ang sunog, natagpuan ang bangkay ng isang 69-anyos biktima sa mga natupok na kagamitan.

Alas-10:49 nang ideklarang fireout ang sunog.

Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with