^

Metro

Publiko pinag-iingat sa paggamit ng gluta drip

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Phi­lippine Dermatological Society ang publiko sa paggamit ng mga pampaputi tulad ng gluta drip na hindi naman aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Ang babala ay ginawa ng Philippine Dermatological Society kasunod ng isang viral video sa social media ng isang babaeng naimpeksyon at hindi na maimulat ang kanang mata matapos ang pagsasailalim sa IV glutathione treatment o “gluta drip”.

Makikita sa video na humihingi ng pana­langin ang babae para sa kaniyang mabilis na paggaling at takot na tuluyan siyang mabulag. Isinisi niya sa nurse na nagsagawa ng gluta drip na hindi umano tama ang ginawang proseso.

Batay sa kuwento ng babae, pumutok ang ugat niya sa magkabilang kamay sa pagturok ng needle hanggang sa ibang nurse naman ang nagkabit pero hindi na-ilock ang needle kaya sumabog ang gamot at pinigilan ng kamay ang pagtapon hanggang sa natuloy din ang drip session.

Una nang nagbabala ang isang advisory ng FDA na walang nai-publish na mga clinical trials na na-evaluate sa paggamit ng injectable glutathione para sa pagpapaputi ng balat, maliban sa paggamit nito sa cancer patient.

Kabilang sa kanyang mga potensyal na panganib ang paglipat ng infectious agents tulad ng HIV, hepatitis C at B lalo na kung ang gagawa ay non-medical practitioner at non-sterile facility.

FDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with