Misis ng naarestong Chinese ‘spy’ itinanggi akusasyon
MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng misis ng umano’y Chinese spy na naaresto ang akusasyon na espiya ang kanyang asawa.
Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Noemi Deng, na hindi ispiya ang kanyang asawa at walang basehan ang mga paratang na ang kanyang asawa ay spy.
Sinabi ni Deng na ang kanyang asawa ay nagsasagawa ng survey para sa isang kompanya na bihasa sa self-drive cars.
Nahuli kamakailan ang asawa ni Deng dahil sa umano’y pagkakaroon ng espionage equipment.
Dahil dito, hiningi ni Deng ang tulong ng Filipino-Chinese community leader Teresita Ang See upang kuwestyunin ang paghuli sa asawa.
- Latest