3K pulis pinatawan ng parusa – PNP

Sa datos ng PNP, naharap ang 5,457 pulis sa mga kasong admi­nistratibo at nasangkot sa 3,751 na kaso.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umaabot sa halos 3,000 pulis ang pinatawan ng parusa  dahil sa mga paglabag na nagawa habang nasa tungkulin.

Sa datos ng PNP, naharap ang 5,457 pulis sa mga kasong admi­nistratibo at nasangkot sa 3,751 na kaso.

Dito, 2,765 ang pinatawan ng parusa habang 2,691 ang pinalaya sa mga akusasyon.

Kabilang sa pinatawan ng parusa ang 1,112 pulis na nasuspinde at 903 naman ang tinanggal sa serbisyo.

Kasama pa sa iba pang parusa ang reprimand sa 423 pulis, demotion sa 108, pagkakaltas ng sahod sa 103, restriction sa 82, at hindi pagbibigay ng pribilehiyo sa 34 pulis.

Tiniyak naman ng PNP na patuloy na magiging mapagmatyag laban sa mga tiwaling pulis.

Show comments