Bagong China Town bubuksan sa Quezon City
MANILA, Philippines — Isang bagong Chinatown sa Banawe area ang nakatakdang buksan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kaugnay ng hitik sa sayang selebrasyon ng Chinese New Year sa lungsod.
Sinabi ni Belmonte na itatampok sa nasabing event ang commitment ng pamahalan ng Quezon City upang isulong ang turismo at ipakita sa mga bisita partikular na sa mga turista ang kakaibang kasaysayan ng magkalong kultura at modernong mga darayuhin sa lugar.
Samantalang isa ring makulay na mga aktibidad ang masasaksihan sa Martes , Enero 29 ang selebrasyon ng Chinese New Year na sisimulan sa Dance Fit session.
“Then a ribbon-cutting ceremony will be led by the mayor, marking the official launch of the redesigned City Chinatown,” pahayag ni Engelbert Apostol, Chief ng Public Affairs and Information Service Department ng naturang siyudad.
Aniya ang bagong disenyong QC Chinatown ay siguradong makakahalina sa lugar bilang pangunahing hub ng turismo, kultura at maging sa komersiyo.
- Latest