3-anyos na bata patay sa sunog
MANILA, Philippines — Patay ang isang 3- anyos na batang babae nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Quezon City kahapon ng umaga.
Ayon kay QC Fire District Marshal SSupt. Florian Guerrero, nangyari ang sunog bandang alas-11 ng umaga.
Nagsimula ang sunog sa isang squatters area sa Brgy. Payatas.
Sinasabing nagkaroon ng away ang isang mag-asawang residente sa lugar hanggang sa sumiklab ang sunog.
Subalit kinukumpirma pa ng BFP ang nasabing report.
Hinihintay pa nila ang report mula sa PNP-crime laboratory upang kumpirmahin ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.
- Latest