MMDA nagdaos ng ‘Road to Zero Waste Expo’
MANILA, Philippines — Bilang suporta sa isang circular economy model tungo sa isang mas kaaya-aya at malinis na metropolis, ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nagsagawa nitong Biyernes ng “Road to Zero Waste Expo” sa Motorcycle Riding Academy ng ahensiya sa lungsod ng Pasig.
Naka-angkla sa temang “Clean Metro Manila,” isinagawa ang exhibition sa layuning palawakin ang epekto nito sa mas malawak na hanay ng mga komunidad at pagpapatibay ng mas malakas na sistema ng pamamahala ng basura sa loob ng Metro Manila, bilang bahagi ng “Kalinisan sa Bagong Pilipinas” campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inisyatibo ng MMDA Solid Waste Management Office sa pagpapahusay ng kamalayan ng publiko at makabuluhang pagtaas sa mga rate waste diversion sa pamamagitan ng ng serye ng aktibidad na nakahanay sa 10-Year Road to Zero Waste Program para sa Metro Manila.
Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na nais ng ahensya na maitaas ng zero waste campaign sa pamamagitan ng holistic approaches.
“With the implementation of solid waste management-related interventions that the MMDA is currently pursuing in cooperation with the local government units and private sector, we will be able to achieve a Clean Metro Manila at the soonest possible time,” saad pa ng opisyal.
Ipinakilala ng Road to Zero Waste Expo, na kasabay ng pagdiriwang ng Zero Waste Month, ang pinag-isang Materials Recovery Systems (MRS) na nagpakita rin ang ilang booth ng mga napapanatiling produkto, kabilang ang compost o soil conditioner, cocopots, lilipots, ecobricks, compressed stabilized earth blocks, at iba pang byproducts ng epektibong solid waste management practices.
- Latest