^

Metro

China malabong tanggalan ng supply ng kuryente ang Pilipinas – NGCP

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinawi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga pangamba na tatanggalan ng China ng supply ng kuryente ang Pilipinas.

Kasabay nito, nilinaw ni NGCP chief technical officer Rico Vega kahit na may mga Chinese nationals at Chinese companies na affiliated sa NGCP ay wala umanong kontrol dito ang China.

Sa kasalukuyan ay sumasalang sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises na pinamumunuan ni Parañaque City 2nd District Rep. Gus Tambunting  ang paghirit ng prangkisa ng NGCP kung saan iginigisa ito sa usapin ng transpa­rency at accountability na naglalayong protektahan ang pinakamalaking ‘power grid ‘ ng bansa.

Ang pahayag ng NGCP bilang reaksiyon sa pangamba ng ilan na  magawan ng paraan ng mga Chinese national na makialam sa suplay ng kuryente  dulot na rin nang isyu nang paglitaw ng mga barko ng China sa West Philippine sea.

“There is no push button anywhere that can black out the whole grid in the Philippines.”ayon kay Vega.

 “NGCP has a Supervisory Control and Data Acquisition (SCADA) system which is a secure, stand-alone system that would make it impossible to be hacked remotely or from outside the NGCP facility” pahayag naman ni Paul Sagayo, Synergy Grid and Development Philippines, Inc. Iginiit nito na fake news umano ang balitang kayang i-shut down ng China ang buong grid.

Sinabi rin ni Vega  na patuloy na nagsasagawa ng third-party audits ang Energy Regulatory Commission, National Intelligence Coordinating Agency at  National Security Council para matiyak ang seguridad ng power grid.

NGCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with