Las Piñas congressional candidate handa sa debate
MANILA, Philippines — Nakahanda na si incumbent Las Piñas Councilor at congressional candidate Mark Anthony Santos na sumabak sa debate bago ang isasagawang midterm election sa Mayo ng taong ito.
Ang paniniyak ay ginawa ni Santos kasunod resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) na inoobliga sa mga kandidato na lumahok sa debate.
Ayon kay Santos, hiniling niya sa Comelec na huwag ilimita sa mga senatoriables ang debate at sa halip ay isama ang mga congressional candidate na maaari ring iorganisa ng ibang media entities.
Una nang hinikayat ng Comelec ang mga media entities na mag- organisa ng debate para sa mga senatorial candidates upang matulungan ang mga botante na makapili ng kanilang iboboto.
Naniniwala si Santos na malaki ang maitutulong ng debate sa mga botante upang makapili ng maayos ng iboboto.
Handa si Santos na talakayin sa debate ang mga isyu sa political dynasty, environment, massive flooding, informal settler, traffic, peace and order.
Samantalang makakalaban naman ni Santos sa pagka-kongresista sina John Barry Tayam, 29 na isang senior high school instructor, Atty. Luisito Redoble, at Sen. Cynthia Villar.
- Latest