^

Metro

Chinese New Year sa Binondo, sinimulan, prosperity tree pinailawan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinimulan na ang masiglang selebrasyon ng Chinese New Year sa Chinatown sa  pama­magitan ng pagpapailaw ng ‘Prosperity Tree’ sa San Lorenzo, Binondo, Biyernes ng gabi, Enero 24.

Pinangunahan ni Manila City Administrator Bernie Ang, deputy chair ng Manila Chinatown Development Council (MCDC),  ang pag-iilaw ng ‘Prosperity Tree”, na dinaluhan ng mga opis­yal  ng lungsod at  iba’t ibang organisasyong Chinese-Filipino.

Sinabi ni Ang na ang mga kaganapang nakahanay para sa  Chinese New Year sa ­Enero 29 ay inihahanda sa pakikipag-ugnayan sa Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) at Manila Chinatown Barangay Organization (MCBO) na pinamumunuan ni chairman Jeff Lau.

Alas-11:00 ng gabi sa Martes, Enero 28, naman isasagawa ang Chinese New Year countdown sa Jones Bridge at ang Grand Parade naman ay iikot sa  paligid ng Chinatown kinabukasan alas  2 ng hapon at starting point ang old Post Office site.

Sinabi ni Manila Ma­yor Honey Lacuna na limang araw ang mga inihandang aktibidad sa selebrasyon hanggang sa Enero 29 na inaasahang dadagsain na naging tradisyon na tinatangkilik din ng mga Pinoy, bukod sa Fil-Chinese at mga dayuhang turista.   

CHINESE NEW YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with