MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na nakakarating na at ibinebenta sa mga palengke sa Metro Manila ang mga smuggled na gulay.
Ito naman ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel kung kaya nagkakaroon ng pagtaas sa retail prices ng mga gulay sa merkado.
Sa kanyang pagbisita sa Pasay City Public Market, sinabi ni Tiu Laurel na posibleng may nangyayaring agricultural smuggling dahil ang mga gulay na tulad ng onion sticks, Chinese yam, large broccoli at paminta ay nababalutan ng Chinese characters.
Aniya, ang mga produktong ito ay kulang ng Sanitary at Phytosanitary Import Clearances (SPSICs) mula sa Bureau of Plant Industry kaya’t hindi ito ligtas na kainin ng mga consumers.
“I don’t recall the Bureau of Plant Industry issuing SPSICs for these vegetables. This strongly indicates smuggling,” ayon kay Tiu Laurel.
Kaugnay nito, pina- iimbestigahan na ni Tiu Laurel ang insidente at papanagutin ang mga nasa likod ng pagbebenta ng mga puslit na produkto sa palengke.
Hiling naman ni Department of Trade and Industry Assistant Secretary Agaton Uvero, na magpalabas ang Bureau of Customs (BOC) ng seizure orders sa mga smuggled goods.\