Chinese New Year ipinagdiwang ng Quezon City LGU

Quezon City Map.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ng Quezon City government  ang  grand celebration ng Chinese New Year sa Banawe Quezon City kung saan tampok ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng local tourism at maipakita sa mga bisita ang isang kakaibang kasaysayan, kultura at modern attractions sa lugar.

Nabatid na mas kapana-panabik at  makukulay ang  mga aktibidad na  inihanda ng QC LGU para sa mga pagtatanghal sa Miyerkules, Enero 29 na sisimulan ng  Dance Fit session at  susundan ng Ribbon Cutting na pangungunahan ni Mayor Joy Belmonte na senyales ng  paglulunsad ng redesigned  City Chinatown bilang isang  key cultural, tourism, at commercial hub.

Nasa 50  food at non-food businesses ang magpapamalas ng QC’s artisanal delights gayundin ng isang  gallery  na may wishing tree,  360 Photobooth, at predictions na inaasahan ngayong Year of the Wood-Snake ang nasa kahabaan ng  Banawe, mula Del Monte Avenue hanggang  Scout Alcaraz Street. Susundan ito ng isang traditional Dragon at Lion Dance at Streetdance Competition na kakikitaan ng mga talento ng mga kabataan ng QC.

May mga performances sa bandang hapon mula sa Chinese Face Changing artist, Ice Seguerra, Kyle Echarri, at Jed Madela na magpapatingkad ng okas­yon. Asahan din ang spectacular Fireworks Display na paiilawin sa gabi sa special episode ng Usapang QC na itatampok si Feng Shui Master Hanz at QC Tourism Department Acting Tourism Operations Officer Giana Barata bilang  backgrounder ng Banawe Chinatown.

Magbibigay din ng mensahe si Mayor Joy Belmonte kaugnay ng okasyon na mapapanood sa official QC Government Facebook Page.

Show comments