PRC kinalampag sa pagbawi ng lisensiya ng nurse BFP, manhunt hiling paigtingin

MANILA, Philippines — Hiniling ng isang ginang sa Professional Regulation Commission (PRC) na madaliin ang pagbawi sa lisensiya ng isang nurse ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umano’y karelasyon ng kanyang mister na isang dating opisyal ng Philippine Marine Corps.

Ayon kay  Faiza Mutlah Utuali, dapat agad na tanggalan ng lisensiya si Senior Fire Officer 2 (SFO2) Reyca Janisa P. Palpallatoc bunsod ng umano’y pakikiapid nito sa kanyang mister na paglabag sa mga pamantayang propesyonal at moral. Dismayado si  Utuali sa kawalan ng aksyon ng PRC sa kasong isinampa niya laban kay Palpallatoc, na ngayon umano’y nagtatago sa ibang bansa.

Ani Utuali, natuklasan niya ang relasyon ng kanyang asawa kay Palpallatoc noong Pebrero 2024. Si Palpallatoc, na nakapa­sa sa Nur­sing Board  Exam noong 2012, ay nag­t­atrabaho bilang Emergency Medical Responder sa BFP, kung saan umano sila unang nagkakilala ng kanyang asawa.

Binigyang-diin ni Utuali na ang mga ginawa ni Palpallatoc ay lumalabag sa mga ethical standards dahil kapwa mga government employee ang sangkot.Binanggit niya ang mga paglabag sa Board of Nursing Resolution No. 220, Series of 2004, Republic Act No. 9173 (Philippine Nursing Act of 2002), at Board Resolution No. 425, Series of 2003. May nakabinbing warrant of arrest laban kay Palpallatoc na inisyu ng Pasay City court dahil sa kasong illegal recruitment na umano’y ginawa nito sa loob ng BFP.

“Ang mga unipormadong personnel tulad ng nasa BFP, pulis, at militar ay kailangang maging huwaran ng moralidad. Ang kanilang personal na kilos ay sumasalamin sa integridad ng mga institusyong kanilang kinakatawan. Ang ganitong asal ay nagpapahina sa tiwala ng publiko,” paalala naman ni Manila Second District Representative Rolando Valeriano, chair ng House Committee on Metro Manila Development.

Show comments