90 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Isla Puting Bato

Batay sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy bandang alas 2 ng madaling araw  sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ng isang Andy Orio.

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 90 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang sunog na tumupok kahapon ng madaling araw sa dulong bahagi ng Purok 5, Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.

Batay sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy bandang alas 2 ng madaling araw  sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ng isang Andy Orio.

Mabilis ang pagkalat ng apoy sa magkakadikit na kabahayan dahil gawa sa light materials.

Alas 4:14 ng madaling araw na nang ideklarang fire-out ang insidente ng sunog.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente.

Sinabi ni  Fire Senior Inspector Alejandro Ramos, hepe ng Intelligence and Investigation Division ng Manila Fire District, nahirapan silang pasukin ang erya dahil sa makipot na daan.

Patuloy na inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog.

Show comments