Negosyante natangayan ng P4 milyong cash, mga alahas

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit P4 milyon ang cash at mga alahas ang natangay sa isang negosyante ng hindi pa nakikilalang kawatan na nanloob sa kanyang bahay sa Quezon City nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si alyas Saberon, 49, at residente ng Brgy. Old Balara, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District-Cri­minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), bandang 12:51 ng hapon, nang ma­diskubre ng biktima na nawawala na ang P1 milyon cash at mamahalin niyang mga alahas na nagkakahalaga ng P 3,000.000 sa loob ng vault.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Alexis Mace L Jurado, nadiskubre ng biktima ang pagkawala ng kanyang pera at mga alahas nang buksan ang vault.

Dito na inireport ng biktima ang insidente sa mga awtoridad at nagsagawa ng ocular inspection sa pinangyarihan ng krimen sa pangunguna ni PLt. Pascual at kina­usap ang mga testigo para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek.

Nagsagawa rin ng forward at backward tracking sa CCTV foo­tage para matukoy ang mga suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring nakawan.

Show comments