MANILA, Philippines — Tuluy na tuloy na ang pagpapatayo ng 8-storey building government center ng Caloocan City matapos na isagawa ang ground breaking ceremony sa naturang lungsod.
Kasama ang iba pang city officials, pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo Malapitan ang ground breaking sa lugar na pagtatayuan ng national at local government agencies, kabilang ang satellite offices ng National Bureau of Investigation (NBI) at Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Malapitan, isa itong ‘one stop shop’ na layong padaliin ang pagtungo at transaksiyon ng mga residente. Ipinagmalaki rin ni Malapitan ang ilang infrastructure projects na bahagi ng pagpapa- unlad ng lungsod.
“ Nariyan ang bagong Hall of Justice, kasama pa ang mga gusaling ipinapatayo natin sa Caloocan City North kagaya ng columbarium at crematorium, bagong city hall, PUP Caloocan, UCC College of Medicine and Health Sciences, at maging mga proyektong pabahay,” dagdag pa ng alkalde.
Ani Malapitan, priyoridad nila ang aksiyon at malasakit kaya patuloy ang mga programa at proyekto sa mga Batang Kankaloo.