MANILA, Philippines — Nagpapatuloy sa pagsasagawa ng health and wellness caravan ang Las Pin?as City Government upang ihatid ang libreng mahahalagang serbisyo at alagang pangkalusugan sa mga residente sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Nabenepisyuhan sa caravan ang karagdagang 600 na residente ng Barangay Talon Dos na ginanap sa Bambusetum Covered Court.
Nakatanggap sila ng libreng mga serbisyo mula sa lokal na pamahalaan na patunay ng dedikasyon nitong tiyakin na madaling makukuha ng mamamayan ang iba’t ibang healthcare services.
Handog ng programa ang free medical consultations, blood sugar and cholesterol screenings, chest X-rays, ECG tests, dental services, at pneumonia vaccinations para sa mga senior citizens.
Personal namang tinutukan ni Vice Mayor April Aguilar kasama sina konsehal Mark Anthony Santos at Henry Medina ang health and wellness caravan sa lugar sa pangangasiwa ni City Health Office head Dr. Juliana Gonzalez upang siguruhin ang maayos na pamamahagi ng mga serbisyong kailangan ng mga residente.