MANILA, Philippines — Binalikan ni dating Senador Kiko Pangilinan sa lugar kung saan nagsimula ang kanyang political career nang bisitahin niya si Quezon City Mayor Joy Belmonte kamakailan.
Unang pumasok sa serbisyo publiko si Pangilinan nang mahalal siya bilang pinakabatang konsehal ng Quezon City sa edad na 23 noong 1988, na naging simula ng kanyang karera sa pulitika na tinampukan ng tatlong termino bilang senador. Siya rin ang nagsilbing founding president ng National Movement of Young Legislators (NMYL) noong 1992.
Nakipagpulong si Pangilinan, na tumatakbo bilang senador sa darating na halalan sa Mayo, kay Mayor Belmonte kasama ang ilang konsehal ma kinabibilangan nina Majority Floor Leader Doray Delarmente, Councilors Bernard Herrera, Charm Ferrer, Candy
Medina, Dave Valmocina, Chuckie Antonio, Wency Lagumbay, Anton Reyes, Irene Belmonte, Egay Yap, Doc Ellie Juan, Kristine Matias, at Sami Neri.
Bumisita si Pangilinan sa QC hall at nagpakuha ng larawan kasama si Mayor Joy at ilang opisyal ng lungsod.