DILG tukoy na pinagtataguan ni Bantag

MANILA, Philippines — Tiwala si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na maaaresto na sa lalong madaling pana­hon si dating Bureau of Corrections (BuCor) General Gerald Bantag.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Remulla na natunton na nila ang kinaroroonan ng dating hepe ng BuCor.

Nilinaw naman ng kalihim na bagamat alam nila ang kinaroroonan nito ay hindi pa siya natatagpuan, subalit makikita rin anila ito sa lalong madaling panahon.

Si Bantag ay itinutu­ring bilang utak sa pagpatay noong 2022 sa radio broadcaster na si Percival Mabasa, kilala bilang ­Percy Lapid, at sa bilanggo na si Jun Villamor.

Matatandaan na Lapid at pinagbabaril malapit sa kanyang bahay sa Las Piñas noong Oktubre 3, habang si Villamor ay natagpuang patay sa kanyang selda sa New Bilibid Prison-Muntinlupa noong Oktubre 18.

Huling dumalo si Bantag sa paunang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) noong Disyembre 2022 ukol sa kasong pagpatay kay Lapid at Villamor.

Show comments