8 Chinese Nationals timbog sa online phishing

MANILA, Philippines — Walong Chinese nationals ang inaresto ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NCR) sa operasyon ng online phishing, sa Parañaque City.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Parañaque City Prose­cutors’ Office ang mga suspek na kinilalang sina Xiao Li, Chuan Zi Gao, Ming Ru Li, Wen Shu Liu, Qui Shun Li, Cai Li Pan, Changfu Liu, at Zhang Zhen Hong, habang nakakakalaya pa ang isang Hwang Xiaobin, na kasama sa reklamong paglabag sa Republic Act 10175 o Computer Related Forgery, sa ilalim ng Section 4(b)(1) ng Cybercrime Prevention Act at Republic Act 12010 o The Anti Financial Account Scamming Act (AFASA).

Ayon sa NBI, nakakuha sila ng intelligence report hinggil sa grupong sangkot sa investment fraud, crypto asset/currency scam, romance scam, identity theft sa pamamagitan ng social engineering scheme at digital communication schemes.

Agad nagsagawa ng surveillance ang NBI kasama ang informant at nang makumpirma, nag-aplay ng search warrant sa Parañaque City Regional Trial Court noong Enero 14 laban kay Hwang Xiaobin et al. Enero 17, nang salakayin ng NBI-NCR ang establis­yemento sa Parañaque, kasama ang mga kinatawan ng Digital Forensic Laboratory (DFL) kung saan nakumpiska ang mga laptop at desktop.

Nagsagawa naman ng onsite examination ang DFL at nakuha ang transcript template ng Phishing at social engineering schemers na ginagamit ng grupo sa pagnanakaw ng sensitive information ng ibang tao.Natukoy din ang mga financial transactions ng crypto currency scams.

Show comments