^

Metro

Habang papalapit ang halalan mas maraming Metro Manila checkpoints, asahan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Habang papalapit ang halalan mas maraming Metro Manila checkpoints, asahan
Members of the Manila Police District Station 3 conduct a Comelec checkpoint along Quezon Boulevard on January 20, 2025 in Quiapo, Manila, in preparation for the 2025 midterm elections.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Asahan na ang mas marami pang checkpoints sa Metro Manila habang papalapit ang eleksiyon sa Mayo.

Ito naman ang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Anthony A. Aberin bilang paghahanda sa Natio­nal and Local Elections (NLE) ngayong 2025.

Ayon kay Aberin, puspusan na ang kanilang paghahanda upang matiyak ang seguridad ng publiko.

Sinabi ni Aberin na simula nang ipatupad ng Commission on Election (COMELEC) ang election gun ban, nasa 60 firearms at explosives at nakaaresto na ng 59 indibidwal dahil sa possession of illegal firearms.

Naniniwala si Aberin na kailangan ang mas mahigpit na pagba­bantay at checkpoints upang maiwasan ang pagkalat ng loose firearms sa kalakhang Maynila.

Sa kabila nito, pinaalalahanan naman ni Aberin ang kanyang mga tauhan, na mahigpit na sundin ang Police Operational Procedures nang may respeto sa bawat Pilipino.  

CHECKPOINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with