Pasig, gagawing Smart City

MANILA, Philippines — Nangako si Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya na iaangat ang buhay ng bawat Pasigueno at gagawing ‘smart city’ ang lungsod.

Ayon kay Discaya, sa ilalim ng kanyang administrasyon, titiyakin niya ang pagkakaroon ng pamahalaan ang Pasig City na marunong makinig sa mga residente at walang komunidad o barangay ang mapapabayaan.

Sinabi ni Discaya na plano niyang pagkalooban ang mga Pasiguenos ng mga karagdagang imprastraktura, health insurance, lilikha ng trabaho, magkakaloob ng libreng edukasyon at low-cost housing projects.

Bilang isang construction firm owner, nangako rin si Discaya na magpapatayo ng mas maraming imprastraktura gaya ng mga tulay at konkretong road networks na magkokonekta sa interior barangays sa mga pangunahing kalsada.

“This is a big dream but it should start with a dream because if you do not have a dream, you have no inspiration,” ani Discaya.

Naging inspirasyon naman ni Discaya sa pagtakbo sa halalan ang nakikitang pagdurusa ng mga Pasiguenos mula sa kahirapan, red-tape at kakulangan ng suporta ng pamahalaan. Kilala si Discaya na nagtutungo sa mga underprivileged at low-income communities sa lungsod para sa kanyang regular charity works.

Una nang sinabi ni Discaya na sakaling palaring maging susunod na alkalde ng lungsod, ipaprayoridad niya ang pag-modernize sa lungsod at gawin ito bilang isang Smart City, kung saan ginagamit ang teknolohiya at data sa pagpapahusay ng buhay ng mga residente.

Show comments