MANILA, Philippines — Ipatatawag ng Philippine National Police (PNP) ang sampaguita vendor na nag-viral matapos na makaalitan ang isang security guard ng mall sa Mandaluyong City kamakailan upang magbigay ng linaw sa insidente.
Ayon kay PNP-Civil Security Group spokesperson Lt.Col. Eudisan Gultiano, pinadalhan na nila ng notice ang sampaguita vendor upang humarap sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) at ibigay ang kanyang panig sa insidente.
Nabatid na nais na malaman ng SOSIA sa kanilang isasagawang preliminary evaluation kung may sapat na dahilan upang sampahan ng administrative case ang guwardiya.
Una nang humarap sa CSG nitong Lunes ang guwardiya ng mall na nakitang nanira ng sampaguita at sumipa sa vendor.
“Kasama rin sa magiging aksyon ng ating evaluator ng ating case ay magpadala rin tayo ng notice or summon doon sa babaeng makikita natin sa video para mabigyan siya ng oportunidad na ma-hear ang kanyang side. Maaaring makaapekto [ang kanyang absence] sa resolution. It’s because magba-base tayo sa account ng security guard,” ani Gultiano.
Sakaling hindi sumipot sa preliminary evaluation ang sampaguita vendor, itutuloy naman ng CSG ang imbestigasyon ayon naman sa testimonya ng guawardiya. will still proceed based on the security guard’s account, seven days after the submission of his affidavit
“Willing naman na nakipag-cooperate ang security guard para nga din ma-clear ang kanyang side, but again, ang kino-conduct natin sa ngayon ay nasa preliminary evaluation phase pa lang tayo,” dagdag pa ni Gultiano.
Sinabi ni Gultiano posibleng maparushan ng paglabag sa Republic Act No. 11917, o Private Security Services Industry Act ang guwardiya bukod pa sa multa na ipapatawa dito.
“‘Yon kasi ang nakalagay sa batas natin, sa RA 11917, na at all times, ang ating mga security guard ay dapat maging courteous and respectful in the performance of their duty,” ani Gultiano.