^

Metro

Quezon City LGU owned markets, nakasunod sa MSRP - QC Local Price Council

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Quezon City government na sumusunod sa itinakdang Maximum Suggested Retail Price (MSRP) ang lahat ng mga pampublikong palengke na pag-aari ng lokal na pamahalaan sa lungsod.

Sa QC Journalist’ Forum, sinabi ni QC Local Price Monitoring Council spokesperson Bernadette Mejia, batay sa kanilang monitoring sa 8 city-owned market, walang palengke ang nagbebenta ng higit sa P58 ang kada kilo ng bigas.

Katunayan, nasa P56 ang pinakamataas na presyo ng imported rice sa mga palengke sa QC na mas mababa pa sa MSRP.

Anya nakatutok  ang lokal na pamahalaan sakaling may mga palengke ang lumabag sa MSRP.

Sinabi ni Mejia, oras na may mga retailer na makikitang hindi sumusunod sa MSRP, sila ay padadalhan ng notice of violation.

Ayon naman  kay  Ret Col Alex Alberto hepe ng QC Market Development Administration Department na idudulog din ng tanggapan sa Department of Agriculture (DA)  ang mga lumabag sa polisiya at irerekomenda ang posibleng revocation ng lisensya kung lampas sa tatlong beses o kung paulit-ulit ang mga paglabag alinsunod na rin sa ordinansa ukol sa Market Code.

Ani Alberto na ginagawa rin ang lahat ng QC LGU na matulu­ngan ang mga stall owners sa mga city owned market para hindi magsamantala sa presyuhan ng paninda sa mga palengke.

Inamin din nito na ang pagkakaroon ng middleman at malaking gastos sa pag-transport sa palengke ng mga paninda ang isang dahilan ng pagtaas ng bilihin kayat ito ngayon ang inaaksyonan ng lokal na pamahalaan.

GOVERNMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with