^

Metro

15 sa 29 pulis sa P6.7 bilyong drug haul nasa kustodiya na ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
15 sa 29 pulis sa P6.7 bilyong drug haul nasa kustodiya na ng PNP
Matatandaang naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 175 at Branch 44 laban sa 29 na aktibo at dating mga pulis bunsod ng kasong planting of evidence at pag-antala sa prosecution ng drug cases.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Brig. Gen. Nicolas Torre III na nasa kanilang  kustodiya na ang 15 sa 29 na pulis na sangkot sa P6.7 drug bust noong Oktubre 2022 sa Maynila.

“(We) have 15 actually tayo na under custody na, mga ilan pa na both active and retired may mga lieutenant colonel pati PNCOs, mga lieutenants andun lahat across the board except for the generals. They are in the process of taking them into custody,” ani Torre.

Ayon kay Torre, bagamat may mga nagpapahiwatig na sumuko subalit nag-iisip pa, wala naman silang magagawa kundi ipatupad ang warrant na inisyu ng  korte at arestuhin ang mga ito.

Matatandaang naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 175 at  Branch 44 laban sa  29 na aktibo at dating mga pulis  bunsod ng kasong planting of evidence at pag-antala sa prosecution ng  drug cases.

Ang mga akusado ay hindi pinayagan na magkapiyansa ng  korte.

Ibinasura naman ng Manila RTC Branch 175 ang kaso laban kay Lt. Gen. Benjamin Santos Jr., dating deputy chief for operations ng  Drug Enforcement Group sa kawalan ng sapat na dahilan at ebidensiya na mag-uugnay sa kanya sa nasabing drug operations.

Una nang sinabi ni dating  Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na kita sa video footage ang ilang matataas na opisyal sa drug operation sa WPD Lending Company sa Tondo Maynila na nagresulta sa pagkadakip kay dismissed M/Sgt. Rodolfo Mayo Jr. at siyam na iba pa.

Sinabi ni Abalos na kinuha umano ng  ilang  pulis ang nasa  42 kilo ng shabu bago ideklara na nasa 990 kilo ng shabu lamang ang nakumpiska hanggang marekober ang mga ito kalaunan.

Umaabot sa P6.7 bilyon ang  halaga ng  shabu na nasamsam ng mga pulis sa October 2022 drug haul.

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with