Cold storage sa Quezon City nasunog
MANILA, Philippines — Natupok ang isang cold storage facility sa Quezon City matapos na sumiklab ang apoy kahapon ng madaling araw.
Higit limang oras nang pilit na inapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang sunog sa Glaizer North Refrigeration Services Corp sa Fernando Poe Jr. Avenue sa Barangay Del Monte sa Quezon City na nagsimula bandang alas-3 ng madaling araw.
Sa ulat ng BFP, umakyat pa sa ikatlong alarma ang sunog hanggang sa tuluyang maapula bandang alas-8:21 ng umaga.
Nasa 10 trak na ng bumbero ang nagtutulong-tulong para maapula ang sunog.
Wala namang empleyado sa loob ng pasilidad nang sumiklab ang sunog.
Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.
- Latest