Cong. Quimbo naki-rally sa pension ng mga seniors sa Senado

Composite photo of Senior Citizen and PWD.

MANILA, Philippines — Nakiisa sa rally nitong Lunes si Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo para  sa pagsusulong ng panlipunang pagkakapantay-pantay at karapatan ng mga matatanda na nilahukan ng  mga libu-libong senior citizens at mga advocates sa harapan ng Senado.

Isa si Quimbo sa mga humihikayat sa Senado na ipasa ang Universal Social Pension for Senior Citizens Act, ang panukalang batas na tumitiyak sa seguridad ng kita ng lahat ng mga Pilipinong senior citizens.

Binigyang diin ng lady solon ang kahalagahan ng pagpapasa ng panukalang batas na una nang pinagtibay ng Kamara pero kasalukuyan pang nakabimbin sa Senado. Layon ng kilos protesta na hikayatin ang mga Senador na iprayoridad ang pagpapasa ng panukalang batas na hangad na magtatag ng universal coverage sa pamamagitan ng pagbibigay sa lahat ng mga Pilipinong senior citizen mula edad 60-anyos pataas ng garantiya sa buwanang pensiyon.

Si Quimbo, kasalukuyang Acting Chairperson ng House Committee on Appropriations ay nag­hain ng House Bill (HB) 10423 o ang Universal Social Pension for Senior Citizens Act na ipinasa sa Kamara noong 2024.

“The Universal Social Pension Act is about fairness and dignity. It ensures that no Filipino senior is left behind, regardless of their economic status. This is our way of giving back to those who have contributed so much to society,” ayon pa kay Quimbo.

Show comments