‘Mail-Order-Bride’ naharang sa NAIA

MANILA, Philippines — Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration-Immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang isang  22-anyos na babae na hinihinalang biktima ng mail-order-bride scheme habang na papasakay sa flight ng Philippine Airlines papuntang Shanghai, China.

Una nang sinabi ng biktima na bumisita siya sa isang Chinese na asawa subalit naging salu-salungat ang  mga pahayag nito kaya nagkaroon ng pagdududa ang mga tauhan ng BI.

Sa huli ay inamin ng biktima  na nakilala niya ang kanyang napangasawa sa isang online app noong Nobyembre 21, at ikinasal makalipas kung saan siya binayaran ng P50,000 monetary allowance para sa kanyang pamilya.

Nagbabala naman si Immigration Commissioner Anthony Viado laban sa mga gumagamit ng social media para recruitment.

“Sa mga nakaraang kaso, ang mga Pinay ay nakulong sa mga pseudo-marriages na ito at pinapagawa sa bahay ng walang bayad dahil sila ay ‘kasal’ na sa kanilang mga dayuhang kasosyo,” ani Viado.

Ang biktima ay itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Show comments