^

Metro

Chinese, 2 Pinoy arestado sa paniniktik

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Chinese, 2 Pinoy arestado sa paniniktik
prinisinta nina Justice Secretary Crispin Remulla, Armed Forces of the Phi lippines (AFP) Chief Romeo Brawner at National Bureau of Investigation (NBI) Chief Jaime Santiago ang Chinese national at dalawang Pilipino na ‘spy’ na naaresto gayundin ang mga kagamitan sa paniniktik.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nadakip ng magkasanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang Chinese national at dalawang Pinoy na pinaniniwalaang gumagawa ng ‘paniniktik’  sa bansa.

Iniharap sa media ang mga  naaresto na  sina ­Yuanqing Deng, isang software engineer; at mga Pinoy na sina Ronel Jojo Balundo Besa at Jayson Amado Fernandez. Kabilang din sa grupo ang isang alyas “Wang”, lady financier at dalawa pang hindi pinangalanang hardware engineers na pawang nasa China.

Ang puting van na minamaneho ng suspek na Pinoy at isa pa kung saan nadiskubre ang mga makabagong gamit na natukoy na umikot sa mga opisina, lokal na gobyerno, mga planta ng kuryente at shopping malls.

Ayon sa  Department of Justice (DOJ) ang Chinese national na nahuli noong Biyernes ay sinasabing ‘spy’ sa bansa ay espesyalista sa “control engineering” na nagtapos sa unibersidad na kontrolado ng People’s Liberation Army (PLA) ng Chinese Community Party at People’s Republic of China.

Sinabi ni NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc, na may hawak na mapa ang  mga suspek kung  saan iikot. Sa katunayan, plano umanong ikutin  ng mga suspek ang  Luzon, kasunod ang  Visayas at  Mindanao.Itinuturing ding  isang “sleeper” agent ang Chinese na limang taon na sa Pilipinas.

Sinabi naman ni  AFP chief-of-Staff Gen. Romeo Brawner, Jr., na ang grupo ay nakaikot na sa mga lugar kung saan matatagpuan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites. Naniniwala si Brawner na ang paniniktik ng nasabing Tsino ay nagsimula bago pa ang 2024.

Pahayag naman ni NBI Director Jimmy Santiago na posibleng naipadala na sa mga kasabwat ang mga nakuhang impormasyon at status dahil may remote capability ang gamit na device at system.

AFP

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with