200 Afghans na nagproseso ng SIV sa Pinas, nakaalis na ng bansa
MANILA, Philippines — Nakaalis na ng Pilipinas ang kabuuang 200 Afghan nationals na dumating sa bansa kamakailan para sa pinal na pagproseso ng kanilang Special Immigrant Visa (SIV) applications sa Estados Unidos.
Sa isang pahayag kahapon, labis ang pagpapasalamat ng Estados Unidos sa pamahalaan ng Pilipinas sa kooperasyon at suportang ipinagkaloob nito sa pag-asiste sa Afghan Special Immigrants.
“Just under 200 Afghan nationals arrived in the Philippines on January 6 for final processing of their SIV applications at the U.S. Embassy in Manila,” anang US Embassy.
Dagdag pa nito, “All departed the Philippines for immigration to the United States aboard commercial flights between January 15 and 17.”
Matatandaang noong nakaraang Agosto, nagkasundo ang Pilipinas at Estados Unidos na pahintulutan ang limitadong bilang ng mga Afghans na pansamantalang manatili sa bansa habang ipinuproseso ang kanilang SIV.
- Latest