11-anyos sapul sa ligaw na bala

Sa pahayag ng kapatid ng biktima, bandang alas-11:30am nang mangyari ang insidente habang papasok ito ng kanilang bahay sa Brgy. 176, North Caloocan.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang 11-anyos na batang lalaki nitong Sabado sa Caloocan City.

Sa pahayag ng kapatid ng biktima, bandang alas-11:30am nang mangyari ang insidente habang papasok ito ng kanilang bahay sa Brgy. 176, North Caloocan.

May bumagsak sa kanilang bubong hanggang sa marinig niya ang kanyang  kapatid na umiiyak.

Sinabi ng  biktima sa kanyang kuya na may tama siya sa tagiliran kaya agad na dinala sa ospital

Masuwerteng hindi malubha ang tinamo ng  biktima.

“Tapos sabi niya tinamaan ako. Sabi ko saan, saan? Sa may tagiliran, tapos tinignan ko ‘yung tagiliran niya parang may pula. Tinignan ko ‘yung baba, may bala po,”anang kuya ng  biktima.

Masuwerteng hindi malubha ang tinamo ng  biktima.

Inireport na sa  East Bagong Silang Police Sub-station 13, ang insidente subalit hirap ang mga pulis na matukoy ang bala dahil yupi-yupi na.

Gayunman patuloy ang imbestigasyon ng  pulisya sa insidente.

Show comments