MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Makati City Mayor Abby Binay-Campos ang pagpapalawig sa deadline sa assement at pagbabayad ng business permits, lisensya, real property taxes, fees at charges ay pinalawig ng walang penalty.
Ayon kay Binay-Campos, ang extension ay nakasaad sa ilalim ng City Ordinance No. 2024-238.
Sa business permits, sa halip na ngayong araw ang deadline, Enero 20, pinalawig ito hanggang sa Enero 26, 2025.
Ang pagtanggap naman ng pagbabayad sa business licenses ay hanggang Enero 31, 2025 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, sa halip na Enero 20.
Maari naman na maka-avail pa ng 10 porsyentong diskwento ang mga magbabayad ng real property tax hanggang sa Enero 31, mula alas-8:00 hanggang alas- 5:00 ng hapon.
Para sa mga tanong o alalahanin, mangyaring tumawag sa (02) 8870-1325 para sa business tax at (02) 8870-1369 para sa realty tax.