^

Metro

Deadline sa pagbabayad ng permit, RPT pinalawig sa Makati

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni  Makati City Mayor Abby Binay-Campos ang pagpapa­lawig sa  deadline sa assement at pagbabayad ng business permits, lisensya, real property taxes, fees at charges ay pinalawig ng walang penalty.

Ayon kay Binay-Campos, ang  extension ay nakasaad sa ilalim ng City Ordinance No. 2024-238.

Sa business permits, sa halip na ngayong araw ang  deadline, Enero 20, pinalawig ito hanggang sa Enero 26, 2025.

Ang pagtanggap naman ng pagbabayad sa business licenses ay hanggang Enero 31, 2025 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, sa halip na Enero 20.

Maari naman na maka-avail pa ng 10 pors­yentong diskwento ang mga magbabayad ng real property tax hanggang sa Enero 31, mula alas-8:00 hanggang alas- 5:00 ng hapon.

Para sa mga tanong o alalahanin, mangyaring tumawag sa (02) 8870-1325 para sa business tax at (02) 8870-1369 para sa realty tax.

ABBY BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with