Remulla tiwalang madadakip na iba pang wanted sa P6.7 bilyong drug haul
MANILA, Philippines — Tiwala si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na maaresto anumang araw ngayong linggo ang lahat ng akusado sa ?6.7-billion drug haul sa Manila noong Oktubre 2022.
Ang pahayag ni Remulla ay kasunod ng pagbuo ng ‘Task Force 29’ ng Philippine National Police (PNP) para tugisin ang iba pang 19 na iba pang pulis na inisyuhan na ng warrant para sa kasong kriminal.
Ayon kay Remulla, kailangan na mapanagot ang mga pulis na sangkot sa drug haul at lumitaw ang kanilang mga partisipasyon sa nasabing drug operations.
May paniniwala rin si Remulla na nagiging kalakaran na ang pagsasagawa ng ‘moro morong’ drug operations upang makakuha ng reward, maibenta kontrabando at muling makapag-operate.
Ani Remulla, hindi sinsero ang PNP sa paglilinis sa kanilang hanay kung patuloy ang katulad na kalakaran kaya nagdesisyon siyang imbestigahan ang anti-illegal drug operations mula 2016 hanggang 2022.
Binigyang-diin pa ng kalihim na kanilang hahabulin ang mga “rogue cops” na sumisira sa magandang imahe ng 225,000-strong police force sa bansa.
- Latest