8 ‘tipster’ tinanggap P1.6 milyong reward money
MANILA, Philippines — Walong ‘tipster’ ang tumanggap ng P1.6 milyon mula sa Philippine National Police (PNP) bilang pabuya para sa pagbibigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng siyam na most wanted criminal.
Ayon sa PNP, natanggap ng walong informants ang kanilang pabuya sa Camp Crame, Quezon City noong Enero 16.
Pinagsuot ng maskara ang mga ‘tipster’ na nakatanggap ng pabuya upang mapanatili ang kanilang privacy at kaligtasan.
Sinabi ni PNP Director for Intelligence Brig. Gen. Westrimundo Obinque, sangkot ang mga nahuling kriminal sa mabibigat na kaso tulad ng murder, rape, at homicide.
“This reward program is part of our continuing efforts to build stronger partnerships between the police and the community. We are grateful to the public for their continued support, as it is through their assistance that we can make significant strides in ensuring justice and maintaining peace in our communities,” ani Marbil.
Lubos namang nagpapasalamat si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa publiko sa kanilang tulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.
- Latest