MANILA, Philippines — Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P400 milyong halaga ng iligal na droga na nasamsam sa mga operasyon sa Region 8 o Eastern Visayas.
Sa pahayag ni PDEA Regional Director Dir III Bryan B Babang, isinagawa ang pagwasak at pagsunog sa mga illegal na droga sa thermal facility ng Heaven’s Gateway Chapel, sa Brgy. Campetic, Palo, Leyte.
Kabilang sa mga sinunog ay ang 58,930.0371 gramo ng shabu na may market value na PHP400,724,252.96; habang 0.1123 gramo ng Marijuana na nagkakahalaga ng P13.486 at P9,871.60 halaga ng mga expired na gamot.
Ang pagsira sa mga ebidensiya ay nakasaad sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” kung saan binibigyan ng karapatan ang PDEA na wasakin ang mga nakumpiskang droga.
Sinaksihan ng kinatawan mula sa Department of Justice, Public Attorneys Office, Elected Officials, Media practitioners, Police Regional Office 8, PNP Regional Forensic Unit 8, Civil Society Group, at iba pang stakeholders ang pagwasak sa mga illegal drugs.