^

Metro

PDEA winasak P400 milyong iligal na droga

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P400 milyong halaga ng  iligal na droga  na nasamsam sa  mga operasyon sa Region 8 o Eastern Visayas.

Sa pahayag ni  PDEA  Regional Director Dir III Bryan B Babang, isinagawa ang pagwasak at pagsunog sa mga illegal na droga sa thermal facility ng Heaven’s Gateway Chapel, sa Brgy. Campetic, Palo, Leyte.

Kabilang sa mga  sinunog ay ang 58,930.0371 gramo ng shabu na may market value na  PHP400,724,252.96; habang 0.1123 gramo ng  Marijuana na nagkakahalaga ng P13.486 at P9,871.60 halaga ng mga  expired na gamot.

Ang pagsira sa mga ebidensiya ay nakasaad sa  Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” kung saan binibigyan ng  karapatan ang  PDEA  na wasakin ang mga nakumpiskang droga.

Sinaksihan ng kinatawan mula sa Department of Justice, Public Attorneys Office, Elected Officials, Media practitioners, Police Regional Office 8, PNP Regional Forensic Unit 8, Civil Society Group, at iba pang  stakeholders ang pagwasak sa mga illegal drugs.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with