Driver, may-ari ng kotseng sumagasa sa traffic enforcer, ipinatawag ng LTO

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, pagpapaliwanagin ng ahensiya ang driver at registered owner ng Toyota Avanza na may plakang NIO-3457 kung bakit hindi sila maaaring parusahan hinggil sa pagkakabangga kay traffic enforcer Salvador Marquez Dela Cruz Jr. na nasugatan sa insidente.
Philsar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari ng sasakyan na aksidenteng bumangga sa isang  traffic enforcer sa Sta. Maria, Bulacan na nag-viral sa social media noong Enero 14.

Ayon kay LTO Chief Vigor  Mendoza, pagpapaliwanagin ng ahensiya ang  driver at registered owner ng  Toyota Avanza na may plakang NIO-3457 kung bakit hindi sila maaaring parusahan hinggil sa pagkakabangga kay traffic enforcer Salvador Marquez Dela Cruz Jr. na nasugatan sa insidente.

Unang lumabas sa inisyal na  imbestigasyon na inaantok ang driver ng sasakyan na nag­resulta sa pagbangga sa naturang enforcer.

“We already issued a Show Cause Order (SCO) against both the driver and the owner of the vehicle as part of the due process, the intention is to get their side before we decide on the matter,” ani Mendoza.

Ang insidente ay naganap bandang 10:30 ng umaga sa Paso, Barangay Bagbaguin, Santa Maria Bulacan habang nooy nangangasiwa ng daloy ng trapiko ang enforcer.

Ang naturang sasak­yan ay inalarma na ng LTO dahil sa insidente.

Show comments