^

Metro

Metro Manila mayors suportado Rice-for-All Program

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng mga alkalde sa Metro Manila ang kanilang suporta sa Department of Agriculture (DA) hinggil sa pagpapalawak sa network ng distribusyon ng abot-kayang presyo ng bigas, at masigurong  makakuha ng mabilis na access ang mahihirap na mga komunidad.

Ito ay makaraang makipagpulong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Metro Manila Council (MMC) na pinangunahan ni MMC President at San Juan Mayor Francis Zamora at MMDA Chairman Romando Artes upang balangkasin ang mga istratehiya para sa distribusyon ng bigas ng National Food Authority.

Ang programa na  nasa ilalim ng inisyatiba ng  KADIWA ng Pangulo Rice-for-All Program ay nag-aalok ng NFA rice sa presyong P38 per kilo para sa low-income na mga pamilya.

Sa kasalukuyan, may 300,000 metriko toneladang imbak na bigas ang NFA.

Siniguro ni Chairman Artes sa publiko na  hindi magagamit sa pulitika ang programa.

Binigyang-diin ni Sec. Tiu Laurel ang pangangaila­ngan na maibenta ang reserba ng bigas upang makapag­handa sa nalalapit na panahon ng anihan sa Pebrero.

Sinabi ng Kalihim na habang pinapalawak ang  network ng distribusyon, makakasiguro ang mga komunidad sa Metro Manila ng mas pinahusay na access sa murang bigas, at mas lalo pang palakasin ito sa mas mahihirap na populasyon sa rehiyon.

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with